Isang kilalang negosyante sa Bayambang, tatakbo sa pagka-mayor

Nag-file sa Comelec-Bayambang Office ng kanyang Certififcates of Candidacy (COC) para sa pagka-mayor ang kilalang negosyante na si Dr. Cesar Quimbao.

Si Quimbao ay tatakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Kasama rin na nag-file ng COC kanina ang kanyang running mate sa pagka-vice mayor si Councilor Raul Sabangan.

Samantalang ang kasalukuyang Vice-Mayor na si Mylvin Junio ay tatakbo naman sa pagka-konsehal.

Ayon kay Quiambao bagama’t maraming nagsasabi na malas ang numero na trese ay nagpursige siya at ang kanyang mga ka-line-up hanggang sa councilor na maghain ng COC.

Ito ay dahil babiyahe siya bukas papuntang Guam.

Sinabi ni Quiambao sa sonshine radio na ilang araw lamang siyang nagdesisyon na tumakbo sa pagka-mayor.

Kung sakali aniyang maluklok siya sa posisyon ay babaguhin nito ang sistema ng panunungkulan sa bayan ng Bayambang

Speak Your Mind

*