Isang spillgate ng San Roque Dam, bukas pa rin

Bukas pa rin ang isang spillgate ng san Roque Dam at nagpapakawala ito ng kalahating metro ng tubig.

Kinumpirma ni Engr. Virgilio Garcia ng Agno Flood Forecasting and Warning System ng National Power Corporation na 285.56 meters above sea level ang tubig sa dam.

Paliwanag nito na ang pagbukas ng apat na spillgates ng dam noong nakaraang araw ay bahagi ng protocol ng napocor sa operasyon ng spillway.

Umabot na kasi ang level na tubig sa 280 meters above sea level kaya kinakailangan magbukas ng gates ng dam.

Ang tatlong spillgates ay isinara kahapon, dakong alas syete ng umaga.

Giit ni Garcia na sa ngayon ay hindi pa rin nila batid kung kailan isasara ang nakabukas pang isang spillgate dahil patuloy pa rin ang pagdating ng tubig sa imbakan ng Ambuklao at Binga Dam.

Kahapon ay dinagdagan pa nila ang gate openings dahil napupuno ang kanilang imbakan.

Speak Your Mind

*