Israel at Jordan, nagkasundo para mabawasan ang tensyon sa Jerusalem

Nagkasundo na ang bansang Israel at Jordan na gumawa ng mga kaukulang hakbang para mabawasan ang tensiyon sa kilalang holy site sa Jerusalem.

Upang hindi lumala ang sitwasyon ay nakipagpulong si US Secretary of State John Kerry kay Palestinian Leader Mahmoud Abbas at kay King Abdullah ng Jordan nang magtungo ito sa Amman noong nakalipas na araw ng sabado.

Nakipagpulong din si Kerry kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kung saan nangako ang Israel na kanilang susundin ang existing rules.

Idinagdag pa nito na batay sa napagkasunduan ay maglalagay ng round-the-clock video monitoring at ang kasunduan ng Israel para ire-affirm ang historical role ng Jordan na custodian ng nasabing religious complex.

Speak Your Mind

*