James Reid at Nadine Lustre, bukas sa pagkakaroon ng seryosong relasyon

Hindi pa tuluyang isinasara ng magka-loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre ang posibilidad na magkaroon sila ng seryosong relasyon sa darating na panahon.

Inamin ng dalawang Kapamilya stars na bida sa “On The Wings of Love” o OTWOL na hindi naman talaga imposibleng maging magdyowa sila kung ‘yun talaga ang itinadhana.

Pero muling iginiit nina James at Nadine na sa ngayon ay wala pa sa isip nila ang magseryoso sa pakikipagrelasyon dahil parehong trabaho ang focus nila ngayon, lalo na ngayong nasa season 2 na ang kanilang top-rating series na On The Wings of Love.

Siniguro naman ng Jadine na maraming-marami pang kilig moments na mapapanood sa OTWOL dahil mapapanood pa ang nasabing serya hanggang 2016.

Speak Your Mind

*