Jennelyn Mercado, nanawagan na itigil na ang paggamit ng dinamita

Maging ang aktres na si Jennylyn Mercado ay nanawagan sa lahat ng mga mangingisda na itigil na ang paggamit ng dinamita sa pangingisda.

Ang panawagan ni Jennylyn ay kaugnay sa pagkamatay ng isang professional diver na aksidenteng nahagisan ng dinamita dahil napagkamalang isda sa karagatan ng Cebu.

Hangad din ng aktres na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng diver at mapanatili ang kaligtasan ng mga yamang dagat at mga nabubuhay sa karagatan.

Sinabi pa ni Jennylyn na dahil sa iligal na pangingisda maaaring ang susunod na mawawalan ng buhay ay ikaw na isang mangingisda, kaibigan at lalo na ang inyong mahal sa buhay.

Kaya ang hiling ni Jennylyn Mercado itigil na ang paggamit ng dinamita sa pangingisda sa bansa.

Speak Your Mind

*