Joker Arroyo, hindi na bibigyan ng seremonya sa Senado

JOKER-300x158

Hindi na magkakaroon ng tradisyonal na seremonya ang senado para sa namayapang si dating Senador Joker Arroyo.

Ito ang inihayag ni Senate President Franklin Drilon matapos hilingin ng pamilya ng namayapang senador na huwag nang sundin ang naturang seremonya.

Nakaugalian na ng senado ang pagbibigay ng arrival honor, necrological service at paglalagay sa half mast ng watawat ng Pilipinas bilang pagkilala sa isang namayapang senador.

Matatandaang namatay si Arroyo sa edad na 88 noong Oktubre 5 sa San Francisco, California matapos ang hindi matagumpay na heart surgery.

Speak Your Mind

*