Juan Manuel Marquez, takot matalo sa posibleng ikalimang laban kay Manny Pacquiao

Tutol si Four-Division World Champion Juan Manuel Marquez ng Mexico sa ika-limang laban kay Filipino Boxing Icon Manny “Pacman” Pacquiao, dahil naniniwala siyang muling matatalo sa kontrobersiyal na paraan kapag ginanap ang labanan sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang iginiit ni Marquez sa panayam ng Boxingscene.Com kaya tumanggi siya sa hamon ni Pacquiao na maglaban sila sa ikalimang pagkakataon.

Bagamat nanalo si Marquez sa 6th round ng huli silang maglaban ni Pacquiao noong Disyembre 8, 2012, lamang pa rin si Pacquiao sa dalawang panalo at isang tabla sa unang tatlo nilang paghaharap.

Muling magbabalik sa Abril 2016 si Pacquiao at bukod sa rematch kay Floyd Mayweather Jr., kabilang sa hiningi niyang laban ang muling pagsagupa kay Marquez kahit sa Mexico pa gawin ang naturang sagupaan.

Pero patuloy na tumatanggi sa laban si Marquez na nagkapinsala rin sa tuhod sa huling laban kay Mike Alvarado.

Speak Your Mind

*