Kampanya kontra rabies sa Ilocos Norte, pinaigting

Pinaigting ng Ilocos Norte Provincial Veterinary Office (PVO) at ng Global Alliance for Rabies Control (GARC) ang kampanya kontra rabies para ma-maintain ang zero case.

Ang huling nilapitan ng grupo bilang katuwang sa kanilang kampanya ay ang iba’t ibang transport groups.

Namigay ng campaign materials at nagkabit ng stickers sa mga pampublikong sasakyang ang PVO katuwang Animal Movement Management (AMM).

Ayon kay Provincial Veterinary Officer Loida Valenzuela, nakalagay sa mga info materials na kinakailangang pabakunaan ang mga alagang aso kontra rabies.

Kinikilala ng probinsya na malaki ang maitutulong ng mga transport groups para maging rabies-free ang Ilocos Norte.

Speak Your Mind

*