Kampanya ng Gilas sa Olympic World Qualifier, hindi madali – Tab Baldwin

Aminado si Gilas Pilipinas Coach Tab Baldwin na hindi magiging madali para sa kanila ang Olympic World Qualifier sa Hulyo a-4 hanggang a-10 sa 2016.

Ang world qualifier ay nagbigay ng pag-asa sa Gilas na makapasok sa 2016 Rio Olympics matapos na natalo sa FIBA-Asia Championship kontra China.

Ayon kay Baldwin, malalaking bansa ang kanilang makakalaban na mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Makakaharap ng Gilas sa world qualifier ang mga semifinalists mula sa FIBA-Europe, Americas, Africa at Asia-Oceania.

Nagkaroon ng tyansa ang giLas sa world qualifier matapos na makapasok sa semifinalists ng FIBA-Asia kasama ang Japan at Iran.

Speak Your Mind

*