Katas ng basura mula sa dumpsite ng Dagupan, posibleng umagos sa dagat

Nawala na ang ganda ng dating Eco-Dumpsite sa barangay Bonuan Boquig sa lungsod ng Dagupan dahil halos natabunan na ito ng gabundok na basura

Ang dating sementadong daanan ng truck mula sa bungad ng dumpsite papuntang tapunan ng basura sa likurang bahagi ay hindi na makita dahil sa lampas taong volume ng basura.

Hindi na rin napapakinabangan ang Material Recovery Facility (MRF), at nangamatay na rin ang ilang puno tulad ng niyog at talisay sa dating ipinagmamalaking Eco-Dumpsite.

Maging ang backhoe ng siyudad ay higit kalahati na ng natatabunan ng basura na nasa gitna ng dumpsite.

Kasabay nito, pinangangambahan din na umaagos sa dagat ang katas ng basura mula sa dumpsite ay dahil ilang hakbang lamang ang layo nito sa dagat.

Sa ngayon ay namumrublema naman ang ilang dumadalaw sa Bonuan Boquig Cemetery dahil ilan sa mga nitso duon ay natabunan na ng basura mula sa dumpsite.

Speak Your Mind

*