Kim Chiu, ayaw nang palakihin ang isyu sa sinuot na gown ni Yaya Dub

Ayaw nang palakihin pa ng Kapamilya star na si Kim Chiu ang isyu sa sinuot na gown ni Maine “Yaya Dub” Mendoza sa makasaysayang episode ng “Eat Bulaga” sa Philippine Arena.

Ito ay matapos na punahin ng mga netizens ang isuot na gown ni Maine sa Eat Bulaga tamang panahon ay parehong pareho sa gown na naisuot na nuon ni kim

Ayon kay Kim, “a gown is just gown, hindi ito mahalaga, Dahil ang importante aniya ay kung paano napapasaya ang mga manonood.

Una ng Nilinaw ng fashion designer ng gown na si Francis Libiran na parte ng Spring/Summer 2015 collection ang naturang gown na iminodel lamang ito ni Kim.

Binigyang diin pa ni Libiran na binili ng Eat Bulaga ang gown na ipinasuot kay maine at hindi nirentahan lamang.

Speak Your Mind

*