LA Tenorio at Marcio Lassiter, handa na para sa Gilas Pilipinas

Handang-handa na sina barangay Ginebra play-maker LA Tenorio at SMB Hotshot Marcio Lassiter na bumalik at maglaro sa national pool na isasabak sa Olympic World Qualifier sa susunod na taon.

Tudo pasalamat naman ang dalawa na mapabilang sa koponan bagama’t nauna nang tumangging mapasama sa nakaraang Gilas Pilipinas team.

Tiwala naman si Tenorio, isang Gilas mainstay mula noong 2012 Jones Cup hanggang sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea na wala siyang nakikitang problema sa kanyang mother team na Ginebra dahil suportado siya ni Coach Tim Cone.

Umaasa naman si Lassiter, bahagi ng original Gilas Pilipinas team sa ilalim ni coach Rajko Toroman na muli siyang makakapagsuot ng national jersey.

Speak Your Mind

*