La Union, isinailalim na rin sa State of Calamity

Isinailalim  na  sa  State  of  Calamity  ang  La Union  na lubha  ring  napinsala  ng  bagyong Lando.

Sa ulat ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) umaabot sa mahigit  dalawandaang  milyong piso  ang halaga ng mga nasirang pananim na palay, mais, mga gulay gayundin sa  sektor  ng  pangingisda.

Aabot naman  ng mahigit   pitumput isang  milyong  piso  ang  nasira  sa  imprastraktura sa buong rehiyon   na kinabibilangan  ng  mga   kalsada  at  mga tulay .

Maliban dito, marami ring mga kabahayan ang napinsala dahil sa bagyo.

Speak Your Mind

*