Labing-anim na nawawalang mangingisda sa Pangasinan, pinaghahanap pa rin

Labing-anim pang mga mangingisda mula sa lalawigan ng Pangasinan ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad.

Ayon kay Lt. Alex Corpuz, ang Commander ng Philippine Coastguard sa Pangasinan, ang nabanggit na bilang ay base na rin sa report ng mga kamag-anak ng mga nawawalang mangingisda.

Sinabi ni Corpuz na ang mga mangingisda naman na na-rescue sa Bolinao ay agad na isinailalim sa medical examination.

Tiniyak naman nito na nasa mabuting kalagayan na ang mga mangingisda at wala silang nakuhang sakit sa kanilang pagkakalubog sa tubig ng ilang araw.

Batay aniya sa kwento ng mga mangingisda, sa kagustuhan nilang makaligtas, lahat ng paraan para mabuhay ay kanilang ginawa.

Nauna rito ay may dalawang mangingisda ang tinitignan pa rin ng mga health experts dahil sa pagkain ng styrofoam dahil na rin sa gutom sa gitna ng karagatan.

Speak Your Mind

*