Labing-isang barangays sa Calasiao, apektado na ng pagbaha

Labing isang barangays sa bayan ng Calasiao, Pangasinan ang nakakaranas ng pagbaha dala ng bagyong Lando.

Ayon kay Zaldy Malit, ang Assistant Municipal Disaskter Risk Reduction and Management Officer, kaninang madaling araw ay biglang tumaas ang level ng tubig sa Marusay River na umabot na sa 6.5 feet above normal level.

Sinabi sa sonshine radio ni Malit na ang pagtaas ng tubig sa nasabing tulay ay maaring epekto ng pag-ri-release ng tubig sa San Roque Dam.

Giit nito na sa tuwing nagpapakawala ng tubig ang dam ay nakikita ng MDRRMO na tumataas ang level ng tubig sa Marusay River taliwas sa sinasabing hindi apektado ang kanilang lugar kapag may release ng tubig sa San Roque Dam.

Kaninang alas-dyes ng umaga ay aabot na sa limang pamilya o 22 inbidwals ang nasa evacuation centers.

Speak Your Mind

*