Lakbay alalay ng DPWH, magsisimula na mamayang hapon para sa Undas

Ikakasa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw ang “Lakbay Alalay” sa Undas.

Ayon kay Engr. Virgilio Oamar, ang Assistant Chief ng Maintenance Division ng DPWH-Regional Office 1, lahat ng mga district offices ng ahensya ay pinasusumite ni DPWH Secretary Rogelio Singson ng composite team.

May mga lugar na maglalagay ng istasyon ang DPWH sa mga pangunahing lansangan, gaya ng mula Manila papuntang Norte hanggang Laoag City.

Aalalay ang DPWH composite team na binubuo ng isang lider at mekaniko sa mga motorista.

Ang Lakbay Alalay ng DPWH ay mag-uumpisa mamayanag alas-singko ng hapon hanggang sa alas dose ng tanghali ng Nobyembre a-dos.

Speak Your Mind

*