Lalawigan ng Pangasinan, isinailalim na ng State of Calamity

Isinailalim na sa State of Calamity ang lalawigan ng Pangasinan bunsod ng pananalasa ng bagyong lando.

Ito ang kinumpirma ni Vice-Governor Ferdinard Calimlim sa sonshine radio matapos ang kanilang naganap na special session ng Sangguniang Panlalawigan kaninang magtatanghali sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sinabi ni Calimlim na idineklara nang nasa ilalim ng State of Calamity ang Pangasinan para makapagsagawa na rin ng nararapat na operasyon ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Paliwanag ng bise-gubernador na ibig sabihin ng deklarasyon ay otorisado na ang Local Government Units (LGU) at Local Disaster Risk Reduction ang Management Office na ma-access ang 30 percent na naka-reserba sa kanilang calamity fundĀ  para matulungan ang mga naapektuhan ng bagyo

Lumalabas sa assessment ng provincial government na ang buong probinsya ay naapektuhan sa pananalasa ng bagyong lando.

Depende sa situwasyon ang itatagal ng lalawigan na nasa State of Calamity dahil may mga lugar na grabeng naapektuhan.

Ang grabeng naapektuhang mga lugar sa probinsya ay ang una at ikalawang distrito, gayundin ang bayan ng San Fabian.

Speak Your Mind

*