Lando, walang epekto sa suplay ng baboy at manok

Walang direktang epekto sa suplay ng karneng baboy at manok ang pananalasa ng bagyong Lando sa Luzon.

Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary for livestock Jose Reaño sa DZAR Sonshine Radio.

Ani Reaño, sapat pa ang suplay ng baboy at manok hanggang Disyembre bagama’t nabawasan ang suplay nito sa Regions 1, 2 at 3 dahil sa kalamidad.

Maliban dito ay wala ring nakikitang dahilan si Reaño para magtaas ng presyo ng baboy at manok ang mga negosyante sa kabila ng bagyong lando.

Speak Your Mind

*