Lea Salonga, hinangaan sa pagkanta ng “A Whole New World” sa Good Morning America

Muling pinahanga ni Lea Salonga ang buong mundo nang kaniyang kantahin ang “A Whole New World” ng live sa programang Good Morning America kasama si Brad Kane.

Sina Lea at Kane ay nagkasama na sa ilang mga proyekto nang kanilang kantahin ang origanal hit song ng Disney Movie na “Aladdin” noong 1992.

Pinapurihan ni Kane si Lea matapos ang kanilang performance sa Good Morning America dahil sa walang kupas nitong galing sa pagkanta.

Ang kantang “A Whole New World” ay nagtamo ng maraming awards noong 1990’s katulad ng Grammy Award for Song of the Year at sa iba pang mga award giving bodies sa Amerika.

Speak Your Mind

*