Leni Robredo, umaasang magkakaroon ng Women Vote sa 2016 elections

Umaasa si Liberal Party Vice Presidentiable Leni Robredo na magkakaroon ng “Women Vote” sa darating na 2016 elections.

Sinabi ni Robredo na bentahe para sa kaniya na nag-iisang kandidatong babae sa pagka-bise presidente.

Makakalaban ni Robredo ang mga vice presidential candidates na pawang mga lalake, kabilang na rito sina Senador Francis Escudero, Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes IV, Ferdinand “Bongbong” Marcos at Gringo Honasan.

Ayon kay Robredo, simula nang siya ay sumabak sa politika bilang congresswoman ay una niyang ipinaglalaban ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga kababaihan sa lipunan.

Naniniwala si Robredo na hindi dapat daanin ang pagboto dahil sa lugar, kundi dapat aniyang iboto ang isang kandidato dahil sa kaniyang karakter at kwalipikasyon.

Speak Your Mind

*