Letran Knights nasungkit ang kampeonato sa NCAA Men’s Basketball.

Nasungkit ng Letran Knights ang kampeonato sa NCAA Men’s Basketball kontra sa San Beda Red Lions sa best of three finals na ginanap sa MOA Arena sa Pasay City.

Dikdikan ang laro kaya umabot pa sa overtime na kung saan dito na tinapos ng Letran ang laro nang maka-iskor ito nang 85 puntos kontra 82 para sa San Beda.

Pinutol ng Letran Knights ang pamamayagpag ng five time champions ng San Beda Red Lions.

Hindi makapaniwala ang mga miyembro ng koponan sa kanilang pagka-panalo matapos ang sampung taong paghihintay.

Maging si Manny Pacquiao na team manager ng Letran ay natuwa sa pagkapanalo ng koponan.

Halos maiyak naman sa tuwa si Coach Aldin Ayo sa tinamong tagumpay ng kaniyang team sa season na ito.

Speak Your Mind

*