Level ng tubig sa Sinocalan River, bumaba na ayon sa Dagupan CDRRMC

Kinumpirma ng Dagupan City Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) na bumaba na ang level ng tubig sa Sinocalan River.

Ayon kay Bernard Cabison, ang Technical Consultant ng CDRRMC dahil sa bumaba na ang tubig baha sa ilang lugar ay bumabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga evacuees.

Sa ngayon, ang mga nasa evacuation centers lamang ay ang mga taga sitio Fisheries sa barangay Malued dahil may kataasan pa rin ang tubig baha.

Kinumpirma nito na sa monitoring ng CDRRMC ay mayroon ng suplay ng kuryente sa lahat ng lugar sa lungsod.

Speak Your Mind

*