Libo-libong mga dayuhan hinuli at kinasuhan dahil sa iligal na pagpasok sa Thailand

Mahigit sa siyam na libong mga dayuhan ang nahuli at kinasuhan dahil sa iligal na pagpasok sa bansang Thailand at apat dito ay napag-alamang wanted nang Interpol.

Ayon sa Thai Police, umaabot sa siyam na libo at dalawandaan at animnaput limang mga dayuhan ang nahuli, at siyamnapung libo at tatlumpu’t walo dito ang kinasuhan sa paglabag sa Immigration Act of 1979, labing walo naman ang may kaso sa paglabag sa criminal code at dalawandaan at siyam ang may kaso at paglabag sa iba pang batas na ipinatutupad sa bansa.

Kabilang sa mga nahuli ang mga Russian National na sina Kristina Monka at Grigory Lyaskov na wanted nang Interpol dahil sa fraud charges.

Bukod sa dalawa, marami pang mga iba’t-ibang nasyonalidad ang nahuli sa magkakaibang kaso sa bansang Thailand.

Speak Your Mind

*