Libu-libong sako ng palay sa bodega ng NFA sa Nueva Ecija, nabasa

Aabot sa limang milyong peso ang halaga ng mga nabasang saku-sakong palay sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa lungsod ng Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Boy de Guzman, ang Manager ng NFA-Region 3, aabot sa anim na libong sako ng palay ang nabasa sa pananalas ng bagyong Lando.

Giit nito na sa ngayon ay pilit nilang isinasalba ang mga nabasang palay para mapakinabangan pa.

Nililinis na rin ng NFA ang kanilang patuyuan ng palay na natabunan ng putik.

Inihahanda na rin ng ahensya ang pundo para bilhin ang mga palay ng magsasaka na apektado ng nangdaang bagyo.

Speak Your Mind

*