Limang kandidato sa pagka-Pangulo, tinukoy na ng Comelec

Kinilala na ng Commssion on Elections (Comelec) ang limang opisyal na kandidato sa pagka-presidente sa darating na halalan sa 2016.

Kabilang dito sina dating Ambassador at OFW Party-list Representative Roy Señeres, United Nationalist Alliance Presidential Bet Jejomar Binay, Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas, Senador Grace Poe at Senador Miriam Defensor-Santiago.

Habang inirekomenda ng Comelec Law Department na ideklarang nuisance candidates ang may isandaan at dalawampu’t limang presidential aspirants.

Kabilang dito ang kahalintulad na pangalan ni Liberal Party Presidential Candidate Mar Roxas na si Manuel Antonio Roxas.

Kabilang din sa listahan ng nuisance candidate si PDP-Laban Presidential Candidate Martin Diño na nauna nang nag-withdraw ng kaniyang Certificate of Candidacy at si Rizalito David na naghain ng electoral protest laban kay Poe.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, maaari pang umapela ang mga kasama sa listahan ng nuisance candidates.

Sisimulan sa susunod na linggo ang pagdinig sa apela ng mga nuisance bets at posibleng madagdagan pa ang naunang limang presidential candidates.

Speak Your Mind

*