Lingayen Airport, isasara sa loob ng tatlong araw dahil sa Undas

Pansamantalang isasara sa loob ng tatlong araw ang Lingayen Airport bilang respeto sa publiko na dadalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ito ang ipinag-utos ni Civil Aviation Authority of the Philippines Deputy Director General for Operations Rodante Joya.

Ang runway ng Lingayen Airport ay shortcut na daanan ng mga tao papunta sa pampublikong sementeryo na katabi lamang ng paliparan.

Ang paliparan ay isasara simula alas siyete ng umaga sa sabado Oktubre a-trentay uno hanggang alas kuwatro ng hapon nang Nobyembre a-dos.

Speak Your Mind

*