Listahan ng mga lugar na nasa election hotspots, ilalabas na ng PNP

Nakatakda nang ilabas ng Philippine National Police o PNP sa susunod na linggo ang listahan ng mga lugar na isasailalim sa “election hotspots” sa darating na halalan 2016.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, sa sandaling makumpleto na ang ulat mula sa Intellegence Group ng PNP ay pag-aaralan na ang mga lugar na mangangailangan ng karagdagang puwersa.

Gayunman, nilinaw ni Marquez na patuloy silang nakaalerto upang masiguro na ligtas at mapayapa ang paghahain ng kandidatura ng mga kakandidato sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong lingo.

Ginawa ni Marquez ang hakbang upang matiyak na walang mangyayaring kagulohan partikular na sa mga lalawigan na itinuturing na mataas ang kaso ng political rivalry.

Speak Your Mind

*