Liza Soberano, matunog ang pangalan na papalit na bagong Darna

Kinumpirma ni Angel Locsin na may napili na ang Kapamilya Network at Star Cinema na bagong gaganap na Darna sa movie version nito.

Ito’y matapos maglabas ng joint statement ang Kapamilya at kampo ni Angel na hindi na matutuloy ng aktres ang pagsasapelikula muli ng “Darna” dahil sa natamo nitong injury sa likod.

Sa Instagram account ng girlfriend ni Luis Manzano, kinumpirma na nito na may nahanap nang kapalit ang Star Cinema na siyang susunod na lulunok ng bato ng pinakasikat na pinay superhero.

Naniniwala din si Angel na perfect person para magsuot ng boots ni Darna ang papalit sa kanya.

Hindi naman diretsong binanggit ni Angel kung sino ito, pero maugong ang pangalan ni Liza Soberano, ngunit wala pang kumpirmasyon ang kampo ng dalaga tungkol dito.

Speak Your Mind

*