LTFRB, sisimulan na ang pag-iinspeksyon sa mga terminal ng bus

Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-iinspeksyon sa mga terminal ng bus bilang paghahanda sa papalapit na undas.

Nahuli mismo ni LTFRB Chairman Winston Ginez, ang ilang mga colorum bus at paglabag ng mga bus terminal sa Pasay.

Kabilang sa mga nahuling colorum buses ang Super 5 Bus Company na gumagamit pa ng improvised na plaka at ilegal na pagbiyahe sa ruta.

Huli rin ang Elavil Bus Company dahil sa paggamit ng jump seats sa mga bus na patungong Samar.

Nakitaan din ng ‘di sapat na ventilation, paniningil din ng toilet fees at sirang windshield sa isa nitong bus ang EJC bus terminal naman.

Speak Your Mind

*