LTO-Lingayen, hinigpitan ang inspection sa mga transport terminals

Mahigpit ngayon ang isinasagawang inspection ng Land Transportation Office (LTO) sa lahat ng transport terminals.

Ayon kay Engr. Eric Suriben, ang hepe ng LTO-Lingayen, ito ay para na rin sa Oplan Undas ng ahensya at bahagi ng kanilang regular na trabaho.

Sinabi ni Suriben sa Kapisan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Forum na kapag lumabas sa inspection na hindi road worthy ang sasakyan  para bumiyahe ay inirerekomenda ang pag-aayos nito.

Dagdag pa nito na kung sakaling ang paglabag naman ay naganap habang bumabiyahe ang bus ay nasisita rin ang mga ito at hinuhuli.

—-

Mga bus companies, pinayuhan ng LTO na i-monitor ang driving hours ng mga drivers

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na nakipag-ugnayan ang ahensya sa mga bus companies para siguruhing tama lang sa oras ang pagbiyahe ng drivers.

Sinabi ni Engr. Eric Suriben, ang hepe ng LTO-Lingayen, hiniling nila sa mga bus companies na i-monitor ang driving hours ng kanilang driver para maging epektibo ang pagmamaneho ng mga ito at para na rin sa kaligtasan ng mga pasaheros.

Ayon kay Suriben, kina-usap na rin nila ang mga on-site managers na bukod sa driver ay dapat rin nilang tignan ang kalagayan ng coductor.

Inaasahan na ang pagdagsa ang mga pasahero sa mga bus terminal, dahil sa pag-uwian ng mga  sa kani-kanilang lalawigan para gunitain ang Undas.

Speak Your Mind

*