Mababang presyo ng mga bulaklak, iginiit ng mga magsasaka sa La Trinidad Benguet

Tiniyak ng mga magsasaka sa La Trinidad, Benguet na sapat at mababa ang presyo ng mga bulaklak para sa Undas sa kabila ng matinding pinsalang idinulot ng bagyong Lando sa mga plantasyon ng bulaklak.

Sinabi ni Karren Abao, vendor sa Trading Center sa La Trinidad na bagamat kakaunti ang supply ng mga bulaklak, sapat naman ito at hindi rin itataas ang presyo, kahit pa karaniwan nang tumataas ang bentahan ng bulaklak ilang araw bago ang Undas.

Kaya apela nito sa mga traders, huwag nilang samantalahin ang kakaunting supply at palakihin ang presyo ng bulaklak.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng malaysian mums ay P250 hanggang P280 kada dosena; roses, P200-P250; asthern, P70 kada dosena; anthurium, P100; chrysantemum, P200; astromenia, P50; million flower, P100 kada paso; at ever asther, P25 bawat paso.

Speak Your Mind

*