Mahigit 100 barangays na siniserbisyuhan ng Cenpelco, wala pang kuryente

Mahigit isangdaang barangay o labing limang porsyento pa ng konsumers ng Central Pangasinan Electric Cooperative (Cenpelco) ang wala pang kuryente.

Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, ang General Manager ng Cenpelco, aabot sa 251 poste ng Cenpelco ang nabuwal kayat hinihingi nila ang pang-unawa sa mga wala pang ilaw.

Paliwanag nito na ang pagbabalik ng kuryente sa isang lugar ay depende sa configuration ng linya.

Mayroon aniyang mga poste na talagang in-isolate ng Cenpelco manpower dahil sa laki ng pinsala nito.

Giit nito na inuna muna nilang ayusin ang minimal lang ang danyos na linya.

Dagdag ni Corpuz na ginagawa ng mga lineman ang paraan para mapabilis ang proseso ng pagbabalik ng kuryente sa mga lugar na wala pang ilaw sa kasalukuyan.

Speak Your Mind

*