Mahigit 100 residente sa Cambodian, nahawaan ng HIV

Mahigit isang daang residente ng hilagang kanluran ng Cambodia ang nahawaan ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) ng isang hindi lisensyadong doctor dahil sa pag-uulit ng ginagamit na karayom.

Si Yem Chhrin ay nahaharap sa habambuhay na pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala ng murder, sa sadyang pagpapakalat ng HIV, ang virus na nagdudulot ng AIDS at panggagamot nang walang lisensiya sa bayan ng battambang.

Inaresto si Chhrin at isinailalim sa kustodya sa takot na babalikan siya ng mga taong kanyang nahawaan sa Roka Village, kung saan 106 sa 800 sinuring mamamayan ang napatunayang positibo sa HIV.

Ang mga nahawaan ay nagkakaedad ng 3 hanggang 82, at kinabibilangan ng mga Mongheng Buddhist.

Sampu sa mga biktima ang iniulat na namatay.

Speak Your Mind

*