Make-up classes ngayong Sembreak, ipapatupad ng Deped

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng ilang paaralan ng make-up classes sa kabila ng semestral break sa susunod na linggo.

Ayon kay DepEd Spokesperson Assistant Secretary Tonisito Umali, depende sa ilang araw na nakanselang klase ang gagawing make-up classes sa mga nasalanta ng bagyong Lando.

Dagdag pa ni Umali, desisyon ng mga school division officials at ang mismong punungguro ng mga paaralan kung kailan isasagawa ang make-up classes.

Humingi naman ng pang-unawa si Umali sa mga estudyante kaugnay ng make-up classes.

Speak Your Mind

*