Malakanyang, tanggap ang pagtakbo ni Sen. Santiago sa pagka-Pangulo

Maluwag na tinanggap ng malakanyang ang pag-anunsiyo ng kandidatura ni Senador Miriam Defensor-Santiago bilang presidente para sa darating na halalan 2016.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma Junior na malaking hamon  ngayon sa mga botante na makapamili kung sino sa mga kandidatong presidente ang kwalipikadong maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi ni Santiago na nalagpasan na niya ang stage four lung cancer kung kaya’t nakahanda na siyang tumakbo bilang pangulo ng bansa sa darating na eleksyon.

Speak Your Mind

*