Malaking bahagi ng Nueva Ecija, isolated pa rin dahil sa malawakang baha na idinulot ng bagyong ‘Lando’

Nananatili pa ring isolated ang malaking bahagi ng Nueva Ecija sa mga kalapit lalawigan nito dahil sa malawakang baha na idinulot ng bagyong ‘Lando’.

Hanggang sabado ng tangahli ay hindi pa rin madaanan ang Maharlika highway, mula sa Sta. Rosa-San Leonardo, Gapan route patungong Bulacan; ang Cabiao-Arayat, Pampanga, Carranglan to Dalton pass dahil sa baha sa barangay Puncan;

Pantabangan-Baler, Aurora at Gabaldon to Dingalan, dahil sa landslides; maging ang Zaragoza-La Paz-Tarlac patungong SCTEX, dahil naman sa pag-apaw ng Amucao bridge.

Sarado rin ang rutang Jaen-San Isidro, dahil sa pag-apaw ng Pampanga river, na nagdulot ng baha sa tatlong bayan, kasama na ang bayan ng San Antonio, na mabagal ang paghupa ng baha.

Nananatili ring walang kuryente sa malaking bahagi ng probinsiya, lalo na sa ikaapat na distrito.

Speak Your Mind

*