Manila Memorial Park, puspusan na ang paghahanda sa undas

Nagsimula na rin ang preparasyon ng Manila Memorial Park sa Parañaque, para sa papalapit na undas.

Ayon kay Manila Memorial Park Administrator Lamberto Peña, Setyembre pa lang nang simulan ng Parañaque ang oplan kaluluwa para sa paggunita ng undas ngayong taon.

Ani Peña, naka-deploy na ang kanilang security at traffic management personnel para sa kaayusan ng sementeryo.

Malinis pa rin aniya ang loob ng sementeryo sa ngayon bagamat may mangilan-ngilan nang bumibisita sa mga yumao nilang kamag-anak.

Inaasahan ni Peña na sa biyernes, Oktubre a-trenta ay magsisimula nang magsidatingan ang mga tao sa sementeryo.

Speak Your Mind

*