Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. posibleng muling magkasagupaan

Posibleng magkaroon nang rematch ang labang Pacquiao at Mayweather sakaling magkaroon nang magandang negosasyon.

Sinabi ni Manny Pacquiao na nakikipag-ugnayan na ang kaniyang kampo kay American Fighter Floyd Mayweather para sa kanilang return bout.

Sa ngayon, sinabi ni Pacquiao na hindi pa niya alam kung sino ang magiging opponent niya sa susunod at huling laban niya sa loob nang ring.

Si Pacquiao ay hindi pa naglalaro nang boksing simula nang sumailalim siya sa operasyon sa balikat nang matalo siya ni Mayweather noong buwan nang Mayo .

Bukod sa boksing, abala ngayon si Pacquiao sa paglalaro nang basketball sa PBA.

Sinabi naman ni Bob Arum na muling babalik sa ibabaw nang ring si Pacquiao sa Abril a-nueve na magsisilbing huling laban ni Pacman bago ang may 2016 elections.

Samantalang nagpahayag na rin nang pagre-retiro si Mayweather matapos nitong talunin si Andre Berto noong nakaraang buwan nang Septyembre.

Speak Your Mind

*