Manny Pacquiao, magbabawas ng timbang sakaling makalaban si Terence Crawford

Kailangang magbawas ng timbang ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa Light Welterweight Division and Challenge for the World Title sa kaniyang huling laban na posibleng maganap sa Abril a-nueve sa susunod na taon.

Ito ang ipinahayag nang kaniyang promoter na si Bob Arum.

Kung masusunod ay nanaisin ni Pacquiao na makaharap sa kanyang huling laban si WBO World Light Welterweight Champion Terence Crawford.

Ayon kay Arum, sakaling mangyayari ito kailangan aniya ni Pacquiao na bumaba sa 140 pounds ang timbang.

Sa ngayon ay tumitimbang si Pacquiao nang 144 pounds.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring napipiling makakalaban ang kampo ni Pacquiao para sa kaniyang huling laban bago ang eleksiyon sa Mayo.

Kabilang din sa mga pinagpipiliang posibleng makakalaban ni Pacquiao sina timothybradley at Viktor Postol.

Speak Your Mind

*