Manny Pacquiao, pinarangalan ng Asia society sa USA

Pinarangalan si Eigth Division Boxing World Champion Manny Paquiao ng Asia society sa New York city USA.

Tinanggap ni Pacquiao ang Asia society game charter of the year award dahil sa paggamit niya nang kaniyang larong boxing at star power para sa kabutihan.

Si Pacquiao ay pinarangalang “Champion and Humanitarian” sa isang seremoniyang ginanap sa gala dinner sa United Nations headquarters.

Ang parangal na ito ay kumikilala sa mga tao at organisasyong nagbibigay ng halaga sa kanilang sektor, tulad ng negosyo, sports, pelikula at pulitika.

Kabilang din sa mga pinarangalan ang mga naka-imbento ng LED light na sina Isamu Akasaki, Hiroshi Amano at Shuji Nakamura, at maraming iba pa na mula sa ibat-ibang larangan.

Samantala, nakatakdang bumalik sa bansa si Pacquiao ngayong Miyerkules para maghain ng Certificate of Candidacy bilang senador sa ilalim ng PDP-Laban.

Magsisimula naman si Pacquiao ng kaniyang training sa susunod na buwan para paghandaan ang kaniyang huling laban sa susunod na taon.

Speak Your Mind

*