Marian Rivera, abala sa mga projects kahit na malapit nang manganak

Sa kabila ng pagbubuntis ni Marian Rivera sa unang baby nila ni Dingdong Dantes, abala pa rin ang seksing mom-to-be sa kaniyang mga commitments sa showbiz.

Andyan pa rin ang kabi-kabila niyang mga photo shoots para sa isang magazine na ilalabas sa susunod na buwan.

Kahit Abala si Marian sa kaniyang trabaho ay hindi pa rin niya pinababayaan ang kaniyang kalusugan at katawan na hanggang ngayon ay makikita pa rin ang kaseksihan kahit ito ay buntis.

Lage pa rin siyang sinusundan ng kaniyang mga fan sa comedy variety show na “Sunday Pinasaya” kasama ang comedy queen na si Miss Ai-Ai Delas Alas.

Ngayon pa lang ay sabik na ang mag-asawa at ang kanilang pamilya sa pagdating ni Baby Maria Letizia bago matapos ang taon.

Kagaya ni Marian, hindi rin pinababayaan ng batikang aktres na si Judy Ann Santos ang kaniyang kalusugan at katawan.

7 buwang buntis na ngayon si Juday at nais niyang mapanatili ang magandang kalusugan para sa kanilang magiging bunsong anak ni Ryan Agoncillo.

Speak Your Mind

*