Matteo Guidicelli, ayaw makasama sa proyekto si Sarah Geronimo

Nanindigan si Matteo Guidicelli sa kanyang desisyon na huwag muna silang pagsamahin ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa kahit anong proyekto.

Ayon sa binata, gusto muna nilang ihiwalay ni Sarah ang kanilang trabaho sa personal nilang buhay para walang masyadong complications.

Umaasa naman ang dyowa ni Sarah na darating din ang panahon na maiintindihan ng fans nila ng singer-actress ang kanilang desisyon.

Ipinaliwanag naman ni Matteo na ang desisyon niyang huwag munang makatrabaho sa kahit anong project si Sarah ay para maiwasan na rin ang mga tsismis na ginagamit lang niya ang kanyang girlfriend para sa sa-riling kapakanan.

Speak Your Mind

*