Mga aplikante ng lisensya sa LTO, maaaring ilang beses na sumailalim sa practical exams

Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na walang katotohanan ang sinasabing wala ng pagkakataon na makakuha ng lisensya ang mga bumagsak sa basic theoritical at practical exams.

Ipinaliwang Engr. Eric Suriben, ang hepe ng LTO-Lingayen na ang isang aplikante ay muling makakakuha ng pagsusulit matapos ang isang buwan na bumagsak ito sa exam.

Kung ito naman ay bumagsak sa pangalawang pagkakataon ay makakakuha naman ito ng exam matapos ang isang taon.

Kapag bumagsak uli ay dalawang taon pa ang papalipasin para makakuha ng eksaminasyon.

Giit naman ni Suriben na una munang dapat maipasa ng aplikante ang basic theoritical exam, bago ang practical exam.

Speak Your Mind

*