Mga bakasyunista sa Undas, inaasahang dadagsa rin sa Comelec

Hinihikayat ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang mga mamamayan na magpa-rehistro at magpa-validate hanggang bukas, Oktubre a trentay uno.

Ayon kay Atty. Marino Salas, ang Provincial Election Supervisor ng Pangasinan maraming mga magbabakasyon ngayon, lalo na ang mga wala pang biometrics dahil na rin sa Undas.

Inaasahan nito na sasamantalahin ng ilang pangasinenses ang magpa-rehistro at magpa-validate.

Paki-usap ni Atty. Salas na makipag-tulungan na lang ang mga Pangasinenses sa kanilang kampanya at dapat walang sisihan lalo’t ginawa na rin ng komisyon na abutin ang mga mamamayan.

Speak Your Mind

*