Mga gamit at records ng comelec sa Cabanatuan City, nalubog sa tubig baha

Hindi pa matiyak kung kailan maibabalik ang serbisyo ng Commission on Elections (Comelec) sa Cabanatuan City sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ito ay matapos malubog sa tubig baha ang kanilang mga kompyuter at record noong kasagsagan ng bagyong Lando.

Tiniyak naman ni Leonardo Navarro, ang acting Election Officer ng Comelec-Cabanatuan City na nai-save naman sa kanilang main server ang registration at biometrics.

Nakapag-request na si Navarro ng tatlong voter’s registration machine sa Comelec National para maipatuloy ang pagpaparehistro at pagpapa-biometrics ng mga taga-Cabanatuan.

Speak Your Mind

*