Mga hotels sa San Juan, La Union, fully-booked sa surfing break

Puno na ang mga hotels sa bayan ng San Juan sa lalawigan ng La Union kaugnay ng pagsasagawa ng apat na araw na Surfing Break.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Reynaldo Dulay, ang presidente ng San Juan Resort and hOtel Association sa pag-uumpisa ngayong araw ng mga aktibidades para sa surfing break.

Tiniyak naman nito na tumatanggap naman sila ng mga magpapa-endorsong bisita ng mga maaaring tutuluyan sa karatig na bayan.

Inaasahan na daang libong local at foreign tourists ang dadagsa sa bayan ng San Juan mula ngayong araw hanggang sa Nobyembre a-uno para sa Surfing Break.

Speak Your Mind

*