Mga isinasagawang road construction ng DPWH, suspendido sa Undas

Sinuspendi pansamantala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng kalsada bilang paghahanda sa Undas.

Ayon kay Assistant Engr. Carlo Evangelista ng first engineering district sa Pangasinan, isinantabi muna nila ngayon ang mga equipment para hindi ito makagambala sa magiging maayos na daloy ng trapiko.

Sa mga lakbay Alalay Center ng First Engineering District ay may nakatalagang maintenance at mga mekaniko para tulungan ang mga motorista lalo na ang mga nasiraan.

Tiniyak rin ni Evangelista na may grupo ang DPWH na umiikot para malaman ang situwasyon ng trapik sa lugar at kung maari pang daanan ang isang lugar.

Kada apat na oras ay nagbibigay ng report ang District Office ng DPWH sa regional office ng ahensya.

Speak Your Mind

*