Mga katuwang ng Regional Nutrition Council sa pagtataguyod ng programa, bibigyang parangal

Magaganap mamayang ala una ng hapon ang Regional Nutrition Awarding Ceremony sa bangko Sentral ng Pilipinas  Convention Hall sa lungsod ng San Fernando, probinsya ng La Union.

Ang pagbibigay ng parangal ay pangungunahan nina Ilocos Sur Polytehcnic State College (ISPSC) President Dr. Rafael Querubin, Department of Health (DOH) Regional Director Dr. Myrna Cabotaje at National Nutrition Council –Region One Nutrition Program Coordinator Maria Eileen Blanco.

Kabilang sa mga bibigyang parangal ay ang mga wagi sa 2014 provincial at Regional Green Banner – Municipal Category, at ang 2014 Outstanding Barangay Nutrition Scholars.

Bibigyan din ng pagkilala ang mga sumaling mga LGUS sa 2015 Mellpi, 2014 Nutrition Program Implementers – City at provincial category, pinaka-matagal na naninilbihang Barangay Nutrition Scholars at ang mga myembro ng 2015 Regional Nutrition Evaluation Team.

Speak Your Mind

*