Mga kompanya ng langis, muling nagbaba ng presyo ng produktong petrolyo

Muling nagpatupad ng roll back ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Unang nagbaba ng presyo ang Eastern Petroleum kung saan piso kada litro ang ibinaba sa gasolina habang 40-sentimos kada litro naman sa diesel.

Sinundan naman ito ng Petron Corporation, Sea Oil, Phoenix Petroleum at PTT Philippines.

Piso kada litro ang kanilang ibinaba sa gasolina, 35 sentimos kada litro sa kerosene habang 40 sentimos naman sa diesel.

Ang ipinatupad na pagbawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Speak Your Mind

*