Mga mag-asawa sa China, pinayagan nang magkaroon ng dalawang anak

Pinayagan na ng Ruling Communist Party ng China na magkaroon nang dalawang anak ang bawat mag-asawa matapos ang dalawang dekada nang pagpapatupad ng One-Child Policy.

Ang One-Child Policy ay ipinatupad noong 1979 para hindi umano maging over-populated ang kanilang bansa.

Ang sinumang lalabag sa nasabing polisiya ay magmumulta, tatanggalin sa trabaho at pwersahang aborsyon.

Sa implentasyon ng bagong batas ay pinapayagan ang mag-asawang magkaroon ng hanggang dalawang anak.

Wala pang detalye sa bagong batas kung hanggang kailan ipatutupad ang pagkakaroon ng dalawang anak sa bawat pamilya.

Speak Your Mind

*